
ROOT
“Ako po ay si Rhey Sta. Maria, mula sa San Miguel, Bulacan, at isang OFW dito sa Athens, Greece. Ako po ay 30 taon nang nagta-trabaho dito sa ibang bansa.”
I am Rhey Sta. Maria, from San Miguel, Bulacan, an OFW (overseas Filipino worker) here in Athens, Greece. I have been working abroad for 30 years.
ROUTE
“Sa aking alaala ay sariwa pa ang lahat, at buhay pa rin sa aking isip ang mga pangyayaring naganap. Ang pagtindig, ang pagkakaisa, at ang pakikibaka ng mga manggagawang OFW sa isla ng KOS, dito sa bansa ng GRESYA. Ang aming 21 araw at gabing makasaysayang piket demonstrasyon sa harap ng Philippine Embassy dito sa Athens. Ang aming pag-laban kasama ang organisasyong Karapatan, para sa katuparan ng aming mga pangarap.”
Everything is still fresh in my memory, all that happened is still very much alive in my mind. How we stood up, how we were united, the camaraderie of the overseas Filipino workers on the island of Kos here in Greece. Our 21-day picket in front of the Philippine Embassy in Athens. How we fought with the organization Karapatan in order to fulfill our dreams.
Rhey was not alone. KASAPI HELLAS, an organization founded by Filipinos in Athens, helped him and has done the same for many other workers in the country. The founder of the group knows him well and has this to say about Rhey:
“Barely in his teens and eager for a future outside the farm, the young Rey decided to venture to Manila. There, he found employment in a garment factory where he acquired skills.
In 1990, just 21 years old, he was one of some 100 Filipino garment workers recruited to Greece to work in the garment factory on the island of Kos. On the island, these Filipino garment workers were isolated from fellow OFWs in Greece. They were exploited, their legal documents, passports and residence permits were withheld by their employer. The situation changed when the organization KASAPI HELLAS intervened and worked together with them to fight for their rights.
Their case is significant, extraordinary in that the Filipino garment workers led and fought side by side with the other workers (Greeks and other nationalities) to form an independent union, neutralizing the company-owned union. With the support of KASAPI and Greek unions, the garment workers staged a 21-day picket in front of the Philippine Embassy to demand intervention by their government for their right to stay and work in Greece.
It was in this factory where Rhey met his wife, also a garment worker recruited from the Philippines. They have two children.
POETRY
Hindi man binibigyang halaga ang aming mga kwento ay pinakikinang naman ito ng taguring “OFW—ang mga bagong bayaning Pilipino.”
Even though our stories are not given much importance, they are made special by the recognition “OFWs—the new Filipino heroes.”


BAGONG BAYANI
Bago ako pumalaot sa kwento kong gagampanan Ako muna ay bumabati sa lahat ng kababayan Mga Overseas Pilipinong lumisan sa inang bayan Itong kwento ay handog ko sanay inyong magustuhan Buhay ng OFW ay talagang may kahirapan Mayroong tagumpay at mayroon ding kabiguan Katulad ng sinapit nitong aming kapalaran Halina kayo at makinig ito’y aking isasaysay Kami rin ay OFW na katulad ng karamihan Naglakas loob na magtungo dito sa ibang bayan Marubdob ang pag-asa na gaganda itong buhay Pangarap ay makakamit, pag-asenso'y makakamtan Nang kami ay ihatid na, sa lugar ng paliparan Mababakas sa bawat mukha ang matinding kalungkutan Mga pangako at tagubiling “mag-ingat ka sana aking mahal” Ay siyang tanging babaunin, doon sa aming pupuntahan Pagdating namin dito ay agad ng naramdaman Ang matinding lungkot na noon lamang naranasan Itong aming mga mata ay palagi na lamang luhaan Nais ay bumalik na doon sa ating inang bayan Unang buwan pa lamang sa napasukang trabaho Lahat nang mga kundisyon ay biglang nagbago Itong palang amo namin ay sobra ang pagkatuso Ang “Quota” ng produksiyon ay kanyang binabago Dahil gusto nitong Amo madoble ang kanyang kita Bawat isang manggagawa ay lagi niyang sinisita Binabantayan, sinisigawan, at minsan ay tinatakot pa Na kapag hindi naka “Quota” ay ipapadeport niya Gayundin ang kontrata na aming dala-dala Ay winalang bahala at hindi niya kinilala Pormalidad lamang daw, gayon ang turing niya At ito daw ay batid nitong aming embahada Kami noon ay sinaklot ng lungkot at ng takot Pangarap na pag-asenso ay naging bangungot Ibig nang masira itong aming mga loob Saan na kami pupunta? Saan na kami susuot? Kasawiang sinapit ay nagsilbing mga hibla Na kami ay mabigkis at saka magkaisa Mabisang paraan na aming nakita Na magbibigay lunas sa aming problema Taon pa ang lumipas ng aming simulan Na ang mga karapatan ay aming ipaglaban Naging matagumpay itong aming mga hakbang Permit at Pasaporte ay amin ding nahawakan Dahil sa tagumpay na aming nakamtan Kamanggagawang Griego’y naging kaibigan Hanggang maging meyembro sa kanilang samahan At ang naging lider pa ay mula sa aming hanay Nagkaisa kaming lahat na magtutulungan Mga Griego, mga Pilipino, at iba pang mga dayuhan Batas para sa paggawa ay aming ipaglalaban Tamang sahod at benepisyo ay dapat makamtan Pagtutulungan ay naghari sa buong pabrika Na sa aming employer ay nagbigay ng alarma Siya ay nagsagawa ng mga pagtutol at mga taktika Upang pagkakaisa namin ay mabuwag niya Panlilinlang at pananakot ay kanyang inilunsad Upang ang aming samahan ay magiba at mawasak Ang kanyang pagkatalo ay hindi niya matatanggap Siya ay tatakas! Pabrika ay kanyang ililikas! At isang araw nga kami ay biglang nagulantang Pabrika ay sarado na, at wala na itong laman Mga makinarya ay inilipat sa sikretong paraan Pagbabayad ng benipisyo ay gusto pang takasan Kami ay naiwang hindi alam ang gagawin Uuwi na lang ba kami at aming tatanggapin Kasawiang sinapit, kapalarang kaysakit Sa pandarayuhan ba’y ito ang makakamit? Iisang paraan na lamang, ang aming naiisip Nasa aming embahada kami doon ay lumapit Aming idinulog itong kasawiang sinapit Hustisya ay hiniling na sana'y aming makamit Ito palang embahada ay walang pakialam Sa aming masaklap na naging kasawian Ang payo ni Amba ay kalimutan na lamang At kami ay umuwi na doon sa ating inangbayan Ngunit ang katarungan ay ibig naming makamtan Kung kaya ang Embahada ay aming pinikitan Ito ang tanging naisip namin na siyang paraan Upang maipaglaban itong aming karapatan Dalawampu’t isang araw, Dalawampu’t isang gabi Kami ay nag piket sa harap ng embassy Sama sama kami, lalaki, bata, at babae Dyaryo at karton ang higaaan sa kalye Dahil sa aming ginawang kilos at protesta Maraming tumulong maraming sumuporta KASAPI, kababayan, griego at mga peryodista Kami ay nanalo at nakamit ang hustisya dalawamput isang taon na ngayon ang nagdaan Istorya ng pangyayari ay sariwa pa sa isipan Isang laban ng karapatang mahirap na kalimutan Tagumpay ng OFW, mga Pilipinong nandayuhan At ngayon sa paggunita nitong aming kwento Kami ay umaasang kayo ay muling makasalo Mga limot na bagong bayani ay muling nagpupugay sa inyo Mabuhay ang OFWs,mga bagong bayani ng lahing Pilipino!
ANG TALA
Isang simpleng tala ang sa Naga ay nagmula Isang simpleng ningning na lumaganap sa buong bansa Isang simpleng adhika na makapaglingkod sa kapwa Isang simpleng Leni, ang talang sa Naga nagmula Ang tala ng Naga ngayon ay kanilang kinukutya Track record ay tinatakpan kredibilidad ay sinisira Nang mga bayarang sinungaling na ang budhi ay masama Nasa kislap ng salapi ay binabaluktot ang tama Ang Tala ng Naga ngayon ay kanilang nililinlang Pamumuno ay pinipigil layunin ay hinahadlangan Nang mga oportunistang gahaman sa kapangyarihan Na ang mga hangarin lang ay pansariling karangalan Ang Tala ng Naga ay kanilang binabato ng mga punang masasama Mga bintang at panirang mahina daw,bobo daw, lugaw, at walang nagawa Nang mga bulaang nagbabalatkayo at mga utak talangka Na walang hinahangad kundi mapatanyag at manira ng kapwa Ang Tala ng Naga sa mga nanlilinlang ay hindi pasisiil Mga oportunista at nagbabalatkayo ay buong tatag niyang haharapin Mga fake news ng mga trolls na bayaran ay kanyang pananagutin Itatama nya ang mali at ang binaluktot na tama ay kanyang tutuwirin Ang Tala ng Naga ngayon sa hamon ay tumutugon Paninindigan ay ilalaban pamumuno ay itutuloy Pagmamahal sa bansa ay banderang iwawagayway At matapat na paglilingkod sa lahat ay buong pusong iaalay Halina kayo mga kasama ating samahan ang Tala ng Naga Mga Tala nating pinag sama sama ay sa kanya natin itaya Tulungan natin si Leni na bigyang liwanag itong ating bansa Upang muling maibalik ang maningning na pag asa sa Pilipinas nating sinisinta Oh..Leni, Oh Leni,Talang mapagkalinga sambayanang Pilipino saiyo ngayo'y nagtitiwala Oh...Leni, Oh...Leni,Talang mapagkalinga Dalangin naming gabayan ka ng ating Dakilang Lumikha