ROOT

I am from Quisao in Pililla, Rizal.

ROUTE

“I travelled to Sweden in 1975 as a scholar of the Rizal Youth Development Foundation, through the International Christian Youth Exchange program. I was supposed to be staying for a year but  the security situation in the Philippines worsened as the Marcos dictatorship heightened its onslaught on progressive Filipinos. I had to stay in Sweden.”

POETRY

“I have been writing since my high school days but lost most of them. ‘Balukanag’ is one of the earliest, while “Sanggumay” was written in Sweden during my first years here.”

Balukanag

Punong manggang kinalabaw
Ikaw ang aking pauusukan
Susuubin nang maraming araw

Tatabasan, lilinisin ang kapaligiran
Iipunin, sisindihan at sa usok ay naglalayuan
Ang mga ahas, lamok at mga pulang langgam

Ako naman ay sampungtaong gulang lamang
Hindi takot sa tiyanak at aswang
Kahit sa kapre at tikbalang
Dahil nakasabit ang itak sa aking baywang

Ang maluto kong binalot ni Inang
Kanin at tuyo lamang
Subalit may panghimagas na panutsa 
Kahit kapiraso lamang

May dalawang lingong araw-araw ay babalikan
Muli`y sisindihan at kung may baga pa ay sapat nang ihipan
Sa lilim ako`y nakahimlay, nangangarap ng masigabong putihan.

Sanggumay

Umaalon mong gintong palay
Hanging sariwa bigay buhay
Sa mga bumbon dalag ay nagtatalampisaw
Inihaw  na hito sa hapagkainan
Nilalakad kita mula kabayanan
Namimitas ng bayabas sa kainitan ng araw
Habol ko namang mapawi ang uhaw
Sa daratnan kong itinagong maliit na pakwan
Sanggumay, ako at ikaw
Hindi tayo magkakahiwalay
Mahahalagang bahagi ng aking buhay
Bata pa ay sa iyo ko na naisalaysay
Mga katanungan at pangarap kong walang katapusan
Sa mga bitak ng iyong palayan
Maging sa balon-balunan mong putikan
Kupkop mo ang aking pananaw
Sa karagatan ng ginintuan mong palay
Diyan ako lulubog lilitaw
Hawak koý karet panahong anihan
Noon nga nang ako ay magpaalam
Hinlalaki ko ay nasugatan
Dugo ko ay tinanggap mo habang ako naman
Abala ang isip sa malayong patutunguhan.