ROOT

“I’m Consuelo Montero from Maria Aurora in Aurora Province, Philippines. My parents were Calixto Montero and Marciana Soriano. We are 10 in the family, 6 daughters and 4 sons. I’m the 4th from the eldest. I finished my elementary education in Maria Aurora Central School. I graduated from high school at Mt. Carmel High School in our town. I obtained the degree of Bachelor of Science in Elementary Education at the Far Eastern University. My postgraduate degree was from the Philippine Normal College / University of Manila, where I studied Guidance and Counselling. My favorite food is pinakbet because I’m Ilokano.”

ROUTE

“I arrived in Barcelona on May 11, 1988. I trained as a Catechist in the Mother of Life for spiritual growth. I was also a member of the Centro Filipino right from the beginning, when it was founded. For me, as of now, I’m still undecided about going home for good because hindi ko pa Tapos yong mga dapat ayusin sa Barcelona… Umalis ako pansamantala sa Barcelona Kasi parang na stress ako. Ito siguro yong effecto sa akin ng pandemya. My plan before coming to Switzerland is to go to Pinas to visit my home sweet home and family, then to Canada para pagbigyan yong aking anak na samahan siya. Kung hindi ko magustuhan doon, babalik na uli ako ng Barcelona, and from there back to Pinas for good.”

POETRY

Consuelo used to write the Balagtasan scripts for the Centro Filipino, a community center/meeting point for Filipino migrants in Barcelona. Her scripts would then be performed by other Filipinos at events such as the Philippine Independence Day celebrations. This particular one she shared with Route Projects is about the founding of the center, entitled “Centro Filipino: Noon, Ngayon at sa Futuro” (Centro Filipino: Then, Now, and in the Future).

Centro Filipino: Noon, Nagyon at sa Futuro

Sinulat ni Consuelo Montero

Lakandiwa:
Sisimulan ko ang kwento ng Centro Filipino
Kung paano sumibol ang kanyang serbisyo
Kaya ang aking isasaysay
Centro Filipino, noon, ngayon at sa futuro.

Kaya ngayon mga kababayan ko
Buksan ang tainga at makinig kayo
Centro Filipino simula ag ito’y itayo
Ng mga may malasakit sa kapwa Pilipino

At ngayon ay titindig makatang batikano
Ilalahad niya’y kwento noong pinaglilihi ang centro
Kung paano nabuo at nagkaroon tayo
Ng isang serbisyo para sa mga Pilipino

Unang Taga-talumpati: Centro Filipino Noon
Ako’y magsasaysay noong wala pa ang Centro
Mga Pilipino’y kung saan nagkatagpo-tagpo
Makausap lamang, mga kapwa Pilipino
Bilang migrante sa mga bansang estranghero

Di lumaon, dumami na tayo
Ang mga ilan ay illegal pa rito
Sa Plaza Catalunya doon nakaupo
Naghihintay ng pagdating ng kapwa Pilipino

Sa ganitong kalagayan, may paring namuno
Na mula sa puso misyon ay serbisyo
Kinilala lahat itong mga grupo
Nalaman nito karanasan ng mga migranteng Pilipino

Yaong namuno ay si Padre Avelino
Kasama ng mga misyonera ng Congregasyong San Benito
Mula sa Madrid, nagsidating ditto
Na may layuning tumulong din sa mga Pilipino

Sa pagsasama nabuo isang plano
Bumuo ng isang sambayanang Pilipino
Nagbigay formasyon sa mga na-encuentro
Sa Puertaferrissa dagsaan ng mga tao

Lakandiwa:
Maglalahad naman ngayon isa pang matalino
Upang bigkasin kasalukuyang serbisyo
Ang Centro Filipino sa kanyang pakikitungo
Sa kapwa Pilipino at iba pang estranghero

Pangalawang taga-talumpati: Centro Filipino Ngayon
Sa pagdami rito mga kababayang Pilipino
Bumuo ng asosasyon sa tulong ng centro
Nanawagan ito sa nais magboluntaryo
Upang makatulong sa mga gawain nito

Isa pa sa daing nitong kapwa Pilipino
Nais na matuto ng idiomang gamit ditto
Catalan o Castellano dapat na matuto
Sa paghahanap ng trabaho kailangan ito

Marami na ring paring nadestino
Kaya ang Centro tuloy ang trabaho
Iba’t iba nga lamang ang pamamalakad dito
Ngunit ang layunin ay di naman nabago

Noong nagkaroon ng regularizacion dito
Lalong dumami ang serbisyo ng Centro
Makatulong lamang sa mga Pilipino
Maging legal ang papel kailangan sa pagtira rito

Isang iskwelahan nagging isang proyekto
Kung saan mga kabataan sila’y natuto
Ng sariling kultura, relihiyon at folklorico
Ngunit ang higit, natuto ng wikang Pilipino

Pakikiisa sa mga migranteng naririto
Ang Centro ay madaling makipagsundo
Sa mga cultural, sosyal at ibang gawaing pang civico
Ang mga Pilipino ay madaling makahalo-bilo

May mga panahon Pilipinong walang trabaho
Kaya ang Centro nag-isip ng panibago
Nakipag-ugnayan sa Ajuntamiento
Upang magbigay alimentacion sa mga naka-paro

Isang newsletter nitong ating Centro
Ang naghahatid balita sa kapwa Pilipino
Mga piling lathala ang ipinahahayag dito
Pinangalanang “TULUYAN”, ang boses ng Centro

Sa kanyang pag-usad sa kanyang serbisyo
Ang Centro Filipino ay naging modelo
Sa mga gawain, nakilala ng Ajuntamiento
Pinapuriha’t binigyan parangal si Padre Avelino

Lakandiwa: 
Sa pakikinig kasaysayan ng Centro
Tatawagin ko na huling magkukwento
Kung ano pang proyekto nakalaan sa mga Pilipino
Kaya ngayong ilalahad proyekto para sa futuro

Pangatlong Taga-talumpati: Centro Filipino sa Futuro
Sa ika-25 taong ng kaniyang serbisyo
Ay di nakalimutan mga kababayang Jubilado
Sa kanyang pagtanda kasama sa proyekto
Nariyan ang pangarap ng Co-desarrollo

Mga kababayang malapit na sa pagreretiro
Ang hamon ng Centro ay magtulungan tayo
Sa Pilipinas magkita-kita mga Jubilado
Makakatulong parin sa kapwa Pilipino

Kung nagawang magtulongan sa bansang estranghero
Lalong pag-ibayuhin doon sa sariling bayan mo
Nagkakaisa sa damdamin bilang Pilipino
Mahalin ang simulain nitong Centro

Lakandiwa:
Mga Kababayan ito sana ang samo ko
Sa pagsasalaysay kung kulang man ito
Kung di nagustuhan, pasensya na kayo
Sapagkat sa pagsulat kalayaan ng kahit sino

Bilang pangwakas sa mga naikwento
Ating palakpakan ang tatlong matatalino
Sa kanilang ginampanan sa pagbibigkas nito
Ang Centro Filipino, noon, ngayon at sa futuro